Una sa Balita

Bride niregaluhan ng P1M cash ng groom

0 210

Napasambit ng “sana all” ang mga netizen sa isang bagong kasal na babae matapos niyang makatanggap ng isang milyong pisong cash bilang wedding gift.

Sa Facebook post ng Team Benitez Photo, makikita ang bride na may hawak na bouquet ng mga bulaklak at makapal na tig-P1,000 bills.

Ayon sa post, ang P1,000,000 cash ay regalo ng groom sa kanyang bride.

Naghahanda raw noon para sa kanyang photoshoot ang bride nang tawagin ito ng wedding coordinator dahil may ibibigay ang kanyang soon to be husband na kailangan nitong agad buksan.

Bumulaga sa babae ang million peso cash wedding gift.

“Now that’s a surprise wedding gift!!! Php1,000,000 cash!!! “Sana all” comments in 3, 2, 1, go! Hahaha,” sabi sa post.

“Sana all! Sana halls! China all! Minola oil! Efikacent oil! Baby oil! Putangina lahat na! Sana olll tlga,” comment ni Hiro Makinano.

“Sana oil! China oil! Singapore oil! Philippines oil! Omega oil!” reaksyon naman ni Lourdes Therese Deona. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More