Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bride naka-gown na nagpaturok

0 161

Agaw-eksena ang isang bride sa vaccination site matapos magpabakuna kontra COVID na naka-wedding gown sa Cebu.

Sa lumabas na ulat ay nakadamit pangkasal pa si Marlyn Ilustrisimo nang bakunahan dahil sa mismong araw din ng kanyang kasal naka-schedule ang kanyang second dose.

Para di ma-late at di sumablay sa pagpapaturok ay walang keber na rumampa si Marlyn kahit na naka-traje de boda pa.

Katwiran niya, importante man ang kasal sa kanya ay prayoridad din niyang mabakunahan para na rin sa pansarili niyang kaligtasan at ng kanyang pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.