Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Brian suportado mga driver, matatanda: Lovi Poe sinorpresa anak ni Sen. Grace

0 87

Gulat na gulat si Brian Poe Llamanzares sa biglaang pagdami ng mga follower niya sa Instagram nitong kaarawan niya.

Well, si Lovi Poe pala ang dahilan, ang anak ng kanyang Lolo Fernando Poe, Jr., o kapatid ng kanyang nanay na si Sen. Grace Poe. In short, dahil `yon sa Tita Lovi niya.

“Belated happy birthday, nephew. Can’t believe it’s been two years since we last saw each other. We may be out of sight, but never out of reach and out of mind. Virtual hugs for now,” sabi ni Lovi sa kanyang pamangkin.

“I was wondering where all my new followers were coming from then I realized, ‘Oh my Tita posted.’ Anyway thank you. Hope to see you soon. Take care,” sabi naman ni Brian.

Well, bukod nga pala sa guwapo ay sobrang generous pa ng unico hijo ni Sen. Grace Poe. At pruweba ang mga pahayag ng mga nabigyan nan g tulong sa ‘Panday Bayanihan’.

Naging makabuluhan nga muli ang pagdiriwang ng birthday ni Brian para sa Panday Bayanihan. Namigay siya ng mga relief goods sa mga jeepney driver, delivery rider, health worker, senior citizen.

“he Panday Bayanihan foundation was established in response to Typhoon Maring in 2013 that affected 2.5 million Filipinos. Since then, naging misyon na namin ang magbigay ng tulong in times of calamity and now also send aid to frontliners and the vulnerable during the pandemic,” sabi ni Brian, na siyang chairman ng Panday Bayanihan Foundation.

Sa ngayon ay libo-libong mask, glove, PPE suit, face shield, test kit, alcohol na ang naipamigay nila. Umabot na sa P600,000 cash ang naipamudmod nila, bukod pa sa 15,000 relief pack at 2,000 sakong bigas.

“Celebrating my birthday in quarantine the second time around, I want to do it in the most meaningful way I can think of— giving back to the groups we’ve been working closely with in the past year,” saad pa niya.

Si Brian nga pala ay nagtatrabaho bilang Chief of Staff sa Office of Sen. Grace Poe.

Sinigurado nga pala ni Sen. Grace Poe na ang P5.58B ay naka-allot para sa mga jeepney driver sa Bayanihan 2 bill.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.