Una sa Balita

Brgy. tanod, ka-live in timbog sa Tondo raid

By
0 927

Arestado ang isang barangay tanod at ka-live in nito sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 1 (MPD-PS1), kamakalawa nang gabi sa Tondo, Maynila.

Nasa kustodya ng MPD-PS1 ang mga suspek na sina Roberto Salinas, 38, barangay tanod at ang kanyang kinakasamang si Rizalyn Bamba, 36, kapwa residente ng 265 Hinahon St., Tondo, Maynila.

Dakong alas-9:15 nang gabi nang isagawa ang buy-bust laban kay Salinas sa may Masikap near corner Kagitingan St., Tondo kung saan nagpanggap na poseur buyer si PO1 Rhey-Jay Ibus.
Nakumpiska sa suspek ang limang sachet ng shabu at marked money na P300.

Tumanggi pa umanong magpaaresto ang suspek sa mga pulis kaya ginamitan ito ng puwersa ng mga awtoridad.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act ang mag-live in sa Manila Prosecutors Office.