Una sa Balita

Brgy. officials na sumuko sa Tokhang naghain ng COC

By
0 937

Mahigpit na binabantayan ang mga aktibidades ng 186 barangay officials na kamakailan ay naaresto at sumuko dahil sa Oplan Tokhang ‘war on drugs’ na naipaulat na nag-file umano ng kani-kanilang certificates of candidacy (COC) para sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Sinabi ni Pangasi­nan Police Office (PPO) director Sr. Supt. Ronald Lee, ang 186 barangay officials ay tatakbo pa rin sa darating na halalan.

“All of them are being monitored. Even if these barangay officials were already arrested and released but are running in the coming election,” ani Lee.

“They remain in our watch list,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ni Lee na walang ba­yan o siyudad sa Pangasinan ang tinaguriang posibleng ‘hot spot’ sa eleksyon.

Aniya, may mga lugar noong nakaraang elections na naisama sa watch list ngunit sa ngayon ay na-neutralize na nila ito bunsod ng anti-crime at anti-illegal drug campaign,

Ani Lee, sa kasalukuyan, ang PPO ay walang natatanggap na report ng alinmang kandidato na nagkaroon ng threats o intimidation.