Una sa Balita

Brgy kagawad inasinta ng kabaro sa libing

0 303

DAHIL sa paghihiganti, patay ang isang barangay kagawad matapos umano siyang barilin ng kapwa niya kagawad sa gitna ng isang libing sa Poblacion Sur, Talavera, Nueva Ecija noong Lunes.

Kinilala ng Talavera Police Station (TPS) ang biktima na si Ramoncito Magtalapa, 55, ng Barangay Dimasalang Sur sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, bago mangyari ang insidente, nakikipaglibing ang biktima sa Poblacion Sur.

Sa kanyang paglalakad, biglang nilapitan ng hindi pa nakikilalang suspek na agad na bumunot ng .9mm pistol at binaril sa ulo ang biktima.
Agad na isinugod ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Samantala, natunton ng mga ope­rating unit ng TPS ang isa sa mga itinuturong suspek na si Jervie Bondoc, 31, isang barangay kagawad sa Dimasalang Sur na siya umanong kumuha ng triggerman upang likidahin si Magtalapa.

Ayon sa pulis, paghihiganti ang nakikita nilang motibo ng suspek upang ipapatay ang biktima.

Napag-alaman na napatay din ang ama noon ni Bondoc at ang pinaniniwalaang mastermind ay si Magtalapa.(Allan Bergonia/Jojo de Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy