Una sa Balita

Brgy captain niratrat sa pinapasadang van

0 317

WALA nang buhay nang datnan ng mga pulis sa loob ng kanyang minamanehong van ang isang barangay captain na pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin sa Sta. Cruz, Laguna kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang biktima na si Rommel ‘Toktok’ Pandakila, chairman ng Brgy. Bagong Silang, bayan ng Lumban.

Batay sa report ng Sta. Cruz Police, sakay ng kanyang pinapaarkilang van, kasama ang barangay tanod na si Mario de Lima.

Pupuntahan sana ng dalawa ang umarkilang pa-sahero nang makita ng mga ito ang nag-aabang na suspek na nakatayo sa gilid ng highway alas-11:30 nang gabi sa Brgy. Bubukal.

Nakita umano ni Pandakila ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada at kanya itong pinagtanungan tungkol sa lugar subalit imbes na sagutin siya nito ay hinugot ng suspek ang hindi pa batid na kalibre ng baril at pinaputukan ang biktima.

Pinilit pa ng biktima na patakbuhin ang sasak-yan pero nahabol ito ng suspek at tatlong beses pang pinagbabaril hanggang sa mahulog sa irigasyon ang sasakyan nito.

Agad ding tumakas ang salarin matapos ang pamamaril habang nahulog naman ang sasakyan sa irrigation canal na nasa gilid ng highway.

Ligtas naman ang barangay tanod na kasama nito na nakatalon habang pinuputukan ang sasakyan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pangyayari at inaalam kung sino ang salarin at ano ang motibo sa krimen.

Si Pandakila ang ikalawang barangay captain ng Lumban na napapatay sa pamamaril ngayong taong ito.

Pebrero 10 nang pagbabarilin din ng hindi nakilalang mga riding-in-tandem suspect ang barangay captain ng Maytalang 1 na si Ramir Evangelista habang ito ay nakahinto sa ginagawang tulay sa bayan ng Lumban. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy