Una sa Balita

Brgy captain, 5 kagawad inasunto sa palusot na buwis sa lupa

By
0 591

KINASUHAN sa Ombudsman ang isang barangay captain at 5 nitong kagawad sa Sto. Domingo, Nueva Ecija dahil sa pagpapalusot ng ‘ghost resolution’ para makasingil ng bahagi ng ‘real property tax’ (RPT) sa munisipyo na nagkakahalaga ng mahi­git kalahating milyong piso.

Ayon kay Sto. Domingo Mayor Greg G. Andres, kinasuhan sina Brgy. Baloc Captain Josefina Lee at mga kagawad na sina Pablo M. Satur; Leonida S. Heraldo; Erick de Guzman; Burphy G. Bravo at SK Chairperson Marbeluz de Guzman nitong Enero 29.

Nag-ugat ang reklamo ni Mayor Andres sa umano’y dalawang barangay resolution na may petsang Enero 7 at 25 ng taong kasalukuyan na hinihiling na mai-release ang P570,000 na bahagi ng RPT para sa barangay upang maipagpatayo ng evacuation center.

Ang dalawang re­solusyon ay pawang gawa-gawa lamang umano ng mga kinasuhan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy