Una sa Balita

Bret, nahuhumaling kay Jennylyn!

By
0 5

Hindi talaga maitago ng Viva artist na si Bret Jackson ang kanyang pagkahumaling kay Jennylyn Mercado. Noong nakaraang taon ay inamin ni Bret na sinuportahan niya si Jen para maging FHM Sexiest.

Ngayon ay gano’n na naman ang kanyang ginagawa para kay Jen. ­Inamin niya na binoto niya si Jen bilang FHM Philippine Sexiest at ­hindi si Nadine Lustre, na ka-loveteam at girlfriend ng kanyang best friend na si James Reid.

Sa isang tweet ni Bret patungkol sa pagboto niya kay Jen, unang rason niya ay dahil “I love her” at ang pangalawang rason ay “help James calm down”.

Hindi nga raw natutuwa si James na biglang umakyat sa number one spot ng FHM Sexiest si Nadine. Gusto niyang malaman kung sino ang nagsimula nito dahil hindi raw siya pabor na maging sexy si ­Nadine sa mata ng maraming lalake.

Nabanggit na noon ni Bret na may conservative side si James at very protective ito sa kanyang nagiging girlfriend.

Kaya imbes na matuwa at nasa number one spot si ­Nadine, nagalit pa raw ito.

Dennis, naniniwala sa ‘second chance’ kay Jennylyn!

Hindi nga agad nakasagot si Dennis Trillo sa tanong na napili niya noong mag-guest ito sa programang MARS nila Suzi Abrera at ­Camille Prats. Napili na tanong ni Dennis mula sa fish bowl ay ang tanong na: “Is love sweeter the second time around? Para sa ‘yo, bakit?”

Patungkol ito sa pagbabalikan nga raw nila ni Jennylyn Mercado. Kelan lang ay nabalitang naghiwalay na naman daw sila dahil daw sa co-star ni Dennis sa Juan Happy Love Story na si Kim ­Domingo. Pero pinabulaanan ito ng aktor.

Anyway, naniniwala nga raw si Dennis sa second chances.

“Pwede siyang totoo kasi siyempre mas kilala niyo na ang isa’t isa ta’s alam niyo na ang ­differences niyo at saka ‘yung mga strengths and weaknesses. Siguro sa ­second time, mas okay na siya kapag susubukan niyo ulit.”