Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Brenda Mage patalsikin sa Pinoy Big Brother

0 190

Halos dalawang Linggo na ang nakalipas nang muling mag bukas ang pinaka sikat na bahay sa bansa ito ang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition at matapos pumasok ang 13 official housemates ni kuya kabilang na nga ang komedyanteng si Brenda Mage at ilan pang mga celebrity sa iba’t-ibang larangan.

Dahil 24/7 nga magkakasama ang mga housemates tila naging kumportable na ang mga ito sa isa’t-isa naging bukas din sila sa kanilang mga personal na buhay at isa sa malapit sa isat’-isa ay sina Brenda Mage at Eian Rances.

At dahil na rin sa nabuong pagkakaibigan sa loob ng bahay ni kuya madalas magkasama at magka-kwentuhan ang ang dalawa iyakan, tawanan at harutan ilan lamang yan sa pinagkaka-abalahan nila.

Dahil sa sobrang close ni Brenda kay Eian tila nakalimutan nito na nasa isang reality show sila at napapanood 24 oras dumating kasi sa punto na tinanong ni Brenda si Eian kung sakaling magka-lasingan sila at pag gising ni Eian ay hawak na ni Brenda ang batuta nito “Tuloy o Tigil” na ang ibig sabihin ni Brenda ay kung itutuloy ba nito o ititigil ang ginagawa.

Sagot naman ni Eian “Hawak mo na, anong tuloy o tigil? Wag kang ganun, kasi masama `yon, hindi lang sa akin, kahit kanino, wag mong gagawin.”

Hindi naman ito pinalampas ng mga netizens at ng mga chismosa nating kapitbahay dahil katako’t-takot na reaksiyon at pang babash ang sinapit ni Brenda, sigaw ng mga viewers at fans ng PBB ay dapat nang patalsikin si Brenda s Pinoy Big Brother dahil sa kabastusan at pang haharass nito sa kanyang housemate na si Eian.

Agad naman itong inaksyonan ni kuya at kinausap agad si Brenda tungkol sa nagawang ito ipina liwanag naman ng komedyante na wala naman siyang intensiyon na bastusin ang kanyang housemate bagkus ito ay katuwaan lamang na naintindihan naman ni kuya.

Matapos kausapin ay agad na nilapitan ni Brenda si Eian upang humingi ng paumanhin dito at nangakong hindi na mauulit ang nagawang kawalang-respeto sa kanya at sa reaksiyon naman ni Eian tila ay wala naman sa kanya ang mga banat na yun ni Brenda dahil nananatili pa rin naman silang malapit sa isa’t-isa hanggang sa kasalukuyan.

Kaya naman Brenda watch your words or else say hello to the outside world!

Leave A Reply

Your email address will not be published.