Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Brenda Mage na-trauma sa mga basher

0 72

Inamin ni Brenda Mage kay Kuya na natakot siyang bumalik ng “PBB” dahil sa natanggap na bashing noon mula sa kanyang mga hater.

“Dahil sa kagagawan ko, nagkaroon ako talaga ng mga basher. Kaya mas pinili ko pong manahimik sa showbiz at magmuni-muni muna sa probinsya. Talagang nasaktan ako, parang na-trauma ako sa mga pangyayari,” sabi niya.

Ginawang leksyon na lang niya ang pangba-bash sa kanya para pagbutihin ang sarili at para magkaroon ng lakas ng loob na pasukin muli ang Bahay ni Kuya.

“Noong una, hindi ko po talaga gustong bumalik pero noong na-accept ko na sa sarili ko ‘yung sitwasyon, nag-sink in na po sa ’kin lahat at natanggap ko ‘yung pamba-bash, lahat ng negative na bagay na binato sa ’kin, in-assess ko po ‘yung sarili ko kung saan ako nagkamali at mas pinili ko pong tingnan ‘yung positibong bagay at mga magagandang bagay na narating ko rin sa pagpasok sa ‘PBB,’” dagdag niya.

Aminado siya na hanggang sa ngayon ay may takot pa rin siya pero gusto lang niya mapatunayan sa publiko na kaya naman niyang magbago.

“Kahit anupaman aabutin namin, pumasok man kami sa ‘BigaTen,’ kahit hindi kami maging big winner, ipakita ko lang sa kanila na kaya ko pong magpakatao, kaya ko rin pong tumayo sa pagkadapa ko po,” saad niya.

Kasama niya sa pagbabalik sa loob ng Bahay ni Kuya si Madam Inutz na katulad niya ay na-bash din dahil sa ilang binitawang salita sa “PBB Kumunity” Celebrity Edition.

Napapanood ang “PBB Kumunity” Season 10 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 PM mula Lunes hanggang Biyernes at 7 PM kada Sabado at Linggo. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.