Una sa Balita

BREAK A LEG: Ginalit si Boy Pyongyang

By
0 5

Sa ginanap na General Assembly ng United Nations sa New York kamakailan, nagsalita at nagbanta si US President Donald Trump na gugunawin niya ang buong North Korea.

Napikon si Trump kay NoKor leader Kim Jong Un, dahil ang okupante sa White House ay tinawag ni Kim na sira ang ulo o ‘mentally deranged’.

Bumwelta naman si Trump at tinawag si Kim na ‘Rocket Man’ at nasa ‘suicide mission’.

Abante Hiring – IT dep

Hindi nakakatulong para sa kapa­yapaan ng mundo ang pagkilos nina Trump at Kim.

Pinatulan ng ‘nakatatanda’ ang bata at mapusok na si Kim.

Delikadong laruan ng mga bata at malilimuting matanda ang mga mapamuksang sandata.

Ang ‘weapons of mass destruction’ na kapwa mayroon ang dalawang bansa ay dapat lamang ikondena.

***

Patay ang dalawang mangingisdang Vietnamese sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Navy, tinangkang salpukin ng isang Vietnamese fishing vessel ang barko ng PN. Kayan naman walang nagawa ang pwersa ng Pilipinas kung ‘di ang gumanti lamang.

Sa palitan ng putok, dalawang Vietnamese ang patay.

Related Posts

Sa pulong sa United Nations, agad nilapitan ni Foreign Affairs Secretary Allan Cayetano ang kanyang Vietnamese counterpart at sinuguro ang patas na imbestigasyon sa insidente.

Huwag sanang makaapekto ang insidenteng ito sa relasyong diplomatiko sa pagitan ng Manila at Hanoi.

***

Dahil sa malimit na aberya sa operasyon ng MRT-3, isa sa mga opsiyon na tinitingnan ngayon ay ibenta na lamang ito. Bahala na ang pribadong sektor na magpatakbo.

Okay ito. Huwag lang sana mapunta sa negosyanteng dati nang nagpatakbo ng MRT.

Ang negosyanteng ito ay hinahabol ng maraming ‘plan holder’ ng isang educational plan.

Maraming bata ang hindi nakapag-aral, dahil ang perang inihulog para sa kanilang edukasyon ay ‘ninakaw’.

Kung ang negosyanteng ito rin lamang ang muling hahawak ng MRT, huwag na lang. Imbis na mapaganda ang operasyon ng MRT baka lalo lang mawindang dahil ang negosyanteng ito ay may ‘track record’ ng panggagatso at ang biktima ay maraming kabataaang Pilipino…

***

Overheard

Hindi na mawawala ang katiwalian sa Bureau of Customs dahil ito ay ‘customs and tradition’ na … Ha ha…