Una sa Balita

Brazilian president tiklop sa bantang sanction dahil sa Amazon fire

0 1,391

NAPILITANG maglabas ng decree si President Jair Bolsonaro ng Brazil upang pahintulutan ang mga sundalo sa pagsugpo ng wildfire sa Amazon.

Ginawa ito ni Bolsonaro matapos siyang balaan ng France at Ireland na hindi nila lalagdaan ang trade deal kung walang gagawing hakbang ang kanyang gobyerno para puksain ang apoy sa Amazon jungle.

Pinaniniwalaan na sinadya ang sunog upang mapakinabangan ng mga magsasaka ang makakalbong kagubatan.

Matatandaang sinuportahan ni Bolsonaro ang pagtagpas ng mga puno sa ilang bahagi ng Amazon upang magamit sa agrikultura at pagmimina, pero sinalubong siya ng batikos dahil parang nagbigay na siya ng go signal sa pagsira ng rainforest.

Ilan sa sanction na posibleng kaharapin ng Brazil ay ang ban sa importasyon ng karneng baka patungo sa European Union.

Sa isang televised message nitong Biyernes, sinabi ni Bolsonaro na ang forest fire ay nangyayari rin sa ibang panig ng bansa at hindi dapat ito gamiting dahilan para magpataw ng sanction sa Brazil.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy