Una sa Balita

Brazil, Peru inuga ng lindol

By ,
0 1

Niyanig ng malakas na lindol ang bansang Brazil at Peru na naitala sa magnitude 6.4 at 6.1, ayon sa US Geological Survey.

Sa ulat, natukoy ang sentro ng lindol sa Brazil sa layong 201 kilometro timog ng Tarauaca at may lalim na 619.4 kilometro.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nasabing paglindol.

Samantala, naitala naman ang lindol sa bansang Peru sa lakas na magnitude 6.1.

Natukoy ng Geophysical Institute of Peru ang sentro ng lindol sa layong 100 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Esperanza na may lalim na 550 kilometro.

Inaalam pa ng civil defense authorities kung may nasugatan o nasirang mga gusali sa nasabing paglindol.