Una sa Balita

Bravo, Casugod tumawid ng bakod

0 332

DALAWANG power middle hitter ang inaasahang magpapatikas sa Marinerang Pilipina Lady Skippers sa darating na Philippine SuperLiga Grand Prix Conference ngayong Pebrero.

Tumalon sa Marinera sina middle spiker Coleen Bravo at Gen Casugod, ga­ling sa kabilang liga ang kasama ang Creamline Cool Smashers habang ­naglaro naman para sa PLDT Home Fibr Hitters ang huli.

Bukod sa dalawa, nadagdag rin para sa Lady Skippers sina former Sta. Lucia Lady Realtors Jasmine Alcayde, Souzan Raslan, at Juliet Catindig.

Makakasama ng mga ito sa Marinerang Pilipina sina Judith Abil, Dimdim Pacres, Ivy Remulla at Chiara Permentilla sa pamumuno nina coach Vilet Ponce de Leon at Ian Fernandez. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More