Una sa Balita

Braso ni lolo, putol sa taga ng kapitbahay

By
0 40

Isang caretaker ang nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder makaraang tagain at maputulan ng braso ang isang 66-anyos na lolo matapos ang mainitang argumento na may kinalaman sa alagang hayop ng biktima na kumakain umano sa tanim na gulay ng suspek na nauwi sa pananaga sa Barangay Poblacion 1, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., Acting Bulacan police director, ang biktimang si Rogelio Barrozo, 66, may asawa, tubong Cavite ng Barangay Poblacion 1, ng nasabing lungsod na kaagad isinugod sa pagamutan matapos maputulan ng braso nang tagain ng suspek na si Lito Baloran, nasa hustong gulang, caretaker at residente rin sa lugar.

Bandang alas-8:30 ng umaga nang komprontahin umano ng suspek ang biktima dahil kinakain umano ang kanyang mga pananim ng mga alaga ng huli. Ang komprontasyon ay nauwi sa mainitang sagutan hanggang humantong sa pananaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy