Una sa Balita

Braso ni Davis napilipit kontra Oklahoma City malas!

By
0 439

NAWALA si Anthony Davis sa halftime dahil sa shoulder injury, kumapit ang New Orleans Pelicans para ipreserba ang 131-122 panalo kontra Oklahoma City Thunder Huwebes ng gabi.

Naligtasan ng Pelicans ang isa pang monster performance ni Russell Westbrook at ang 27 points ni Paul George.

Tinapos ni Julius Randle ang 33-point, 11-rebound performance sa tatlong clutch baskets sa final 3 minutes, umiskor ng 32 si Jrue Holiday habang binubulabog si George.

Sa final second ng second quarter, tinangkang blangkahin ni Davis si Nerlens Noel pero mukhang napilipit ang kaliwang braso. Hindi na iginagalaw ni Davis ang kamay habang papasok sa dugout, pagkatapos ng break ay inihayag ng Pelicans na hindi na siya makakabalik sa laro.

Tumapos si Davis ng 14 points, 4 rebounds, 2 assists at 1 block.

Pinahaba ni Westbrook ang record triple-double niya sa 11 games sa isinumiteng 44 points, 14 rebounds at 11 assists, pero sablay ang 3-pointer habang naghahabol ng lima ang Thunder wala nang isang minuto sa laro.

Hinablot ng New Orleans ang rebound at kumapit na.

“They played good, man,” bulalas ni Westbrook matapos putulin ng Pelicans ang four-game winning streak ng Thunder.
Si George, inalat sa 3 for 17 shooting mula 3-point range.

“He’s scrappy and he takes pride in defense,” aniya tungkol sa makulit na depensa ni Holiday. “Not a lot of guys do. I have the utmost respect for his approach and how he defends and wants to play defense.”

Dumikit ang OKC 121-118 sa 3 ni George 2:52 pa, pero ibinalik ni Randle ang missed 3 ni Kenrich Williams, sinundan ng isa pa niyang layup 1:30 sa orasan ang fall-away jumper 1:12 na lang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy