Una sa Balita

Branzuela umangas sa 4th round

By
0 209

PINAMUNUAN ni NM SPO2 Ali Branzuela ang panalo ng Philippine National Police (PNP) sa fourth round upang manatiling malakas ang tsansa sa titulo sa nagaganap na AFP-PNP-PCG Olympics 2018 Chess Team Championships sa PNP Sports Center sa Camp Crame, Quezon City.

Bumangon mula sa third round loss nitong Lunes ang PNP, kinaldag ang Philippine Airforce 8-4 Miyerkoles nang gabi upang masilo ang una­han ng team stan­dings kapit ang 36.5 points papasok sa fifth round.

Yumuko ang PNP sa Philippine Army 4.5-7.5 nitong Martes.

Tinalbos ni former Lyceum of the Philippines chess varsity Branzuela si International Master Richilieu Salcedo.

Malaki ang lamang ng PNP sa pumapangalawang Philippine Army, (28 pts) subalit para kay Branzuela marami pang puwedeng mangyari dahil may apat pa silang nalalabing laro.

“Double Round-Robin ang format format, hindi pa natin masasabi kasi puwede pang makahabol ang Army at Air Force,” saad ni Branzuela.

Bukod kay Bran­zuela, nagwagi din para sa PNP sina PSI Horizon Villanueva, PSUPT Antonieto Canete, PSUPT Jaime Santos, PINSP Ferdinand Aterrado at PO2 Rolando Andador.

Sa round three, natablahan ni Branzuela si IM Ronald Dableo.

Nakatambay sa se­cond place ang PA habang tersero ang PAF tangan ang 19.5 points sa event na may five-team double round robin habang ang mga arbiters ay sina Patrick Lee, (International) at Roy Madayag, (National). 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy