Una sa Balita

Branislav kakabit kay Klisura, 2 pa

By
0 1,492

STANDINGS
TEAMS W L
Petron 2 0
F2 Logistics 1 0
Cignal 2 1
Foton 1 1
Sta. Lucia 1 1
Cocolife 1 2
Smart 0 1
Generika-Ayala 0 2

Mga laro ngayon:
(The Arena-San Juan City)
4:15 p.m. — Smart vs Petron
7:00 p.m. — Sta. Lucia vs Cocolife

Itutuloy ng tatlong club ang ragasa sa balik-ere ngayon ng 6th Philppine Super Liga 2018 Grand Prix eliminations sa The Arena-San Juan City.

Asinta ng Petron (2-0) ang pangatlong dikit pananalasa laban sa babangong bagong saltang Smart (0-1) sa alas-4:15 ng hapon.

Nais ding sundan sa isa’t isa nang magtutuos sa alas-7:00 ng gabing Sta. Lucia (1-1) at Cocolife (1-2) ang pinanggalingang tagumpay.

Sasandalan ng Blaze Spikers ni coach Cesael delos Santos sina Ame­rican import Kennedy Bryan, Charlene Cruz at Venezuelan Jose Maria Perez.

Si Asset Managers mentor Serbian Moro Branislav kakalasag naman kina imports Sara Klisura at Taylor Milton new recruit Honey Royse Tubino para sundan ang straight-set win sa Giga Hitters, pagkaraang sumalampak sa Cignal at F2 Logistics.

Aminado si Branislav na impresibo siya sa kanyang women’s volleyball team. Pero marami pa aniyang dapat trabahuhin.
“This is true, I’m not kidding: My team is not yet ready at the moment,” bigkas ni Branislav, na ginabayan ang Tornadoes sa trono ng torneong ito noong 2016. (ED)