Una sa Balita

Brady, Patriots kampeon ulit ng Super Bowl

ALAMAT!

By
0 551

KAMPEON na naman si Tom Brady at ang New England Patriots.

Winasiwas ni Brady at ng Patriots ang Los Angeles Rams 13-3 sa Super Bowl LIII Linggo ng gabi sa Atlanta.

Sinasabi ng marami na pinaka-boring ang 2019 edition ng ‘Bowl’, lowest scoring din sa kasaysayan.

Gumawa ng kasaysayan si Brady bilang tanging quarterback na nanalo ng anim na Super Bowls.

Nagkatalo lang sa dulo nang pumukol ng touchdown si Brady para ihatid ang Patriots sa pang-anim ding titulo.

Matikas na naihulma ng quarterback ang 29-yard completion kay tight end Rob Gronkowski.

Ang dating pinakamababang iniskor sa pinakamala­king stage ng National Football League ay ang 14 ng Miami Dolphins laban sa 7 ng Washing­ton Redskins noong Super Bowl VII.

“Doesn’t change a thing,” sagot ni Brady, 41, nang tanungin ni Tracy Wolfson ng CBS kung babalik pa siya sa susunod na season.

Pagkatapos sikwatin ang pang-anim na Super Bowl ring, sigurado sa sarili si Brady na babalik pa siya sa laro.

Magkabuhol sa 3-3 nang batuhan ni Brady si Gronk na rumesponde ng over-the-shoulder catch-and-run para sa 18 yards, sunod na kumaripas ng 29 pa para ihatid ang Patriots sa goal line.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy