Una sa Balita

BradJen nangangamoy balikan

0 418

Hiningan ng reaksyon si Jennifer Aniston tungkol sa pagpanood sa kanya ni Brad Pitt sa backstage monitor ng Screen Actor’s Guild (SAG) Awards habang nagde-deliver ito ng acceptance speech pagkatapos itong manalo bilang Outstanding Performance by a Female Actor in a Drama Series for “The Morning Show.”

Kakapanalo rin din ni Brad bilang Outstanding Male Actor in a Supporting Role for the film “Once Upon A Time In Hollywood”.

“That is sweet. We’ve all grown up together, we really have. It just feels like a really fun night to celebrate and cheer each other on and keep working. It is an incredible honor to be recognized by this room especially. They are my peers and I’ve been doing this a while… It is not lost on me,” sey ni Jen.

Nabuhay bigla ang BradJen fans noong mag-viral ang photos ng dalawa sa backstage ng SAG Awards. Nagkaroon ng iba’t ibang memes na tila umaasa sila na puwedeng magkabalikan ulit ang ex-Hollywood couple.

Kinasal sina Brad and Jen noong 2000 at naghiwalay noong 2005 pagkatapos na ma-link ito romantically kay Angelina Jolie pagkatapos nilang gawin ang pelikulang Mr. & Mrs. Smith.

Ngayon ay separated na si Brad kay Angelina kung kanino meron siyang anim na anak. Divorced na rin si Jen sa aktor na si Justin Theroux.

Binalikan ng BradJen fans ang minsan pag-guest ni Brad sa hit show ni Jen na Friends noong 2001. Sa episode na “The One with the Rumor”, gumanap si Brad as Will, former school mate ni Rachel Green (played by Jen) na nagtatag ng I Hate Rachel Club dahil isang mean girl at bully si Rachel noong high school. Pinagkalat pa ni Will na isang hermaphrodite si Rachel. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More