Una sa Balita

Brad Pitt, Sienna Miller ‘serious flirting’ pinag-uusapan

By
0 615

May secret romance nga ba sina Brad Pitt at Sienna Miller? Ito ang balitang nagsi-circulate sa ilang entertainment tabloid at naghihintay na lang daw sila ng confirmation sa dalawa.

Unang lumabas ang balitang ito noong nakaraang taon sa OK! Australia.

Ayon sa article, nagkaroon daw ng “se­rious flirting” ang dalawa habang ginagawa ang pelikulang The Lost City Of Z noong 2017. Pero pinabulaanan ni Pitt ang naturang romance at tinawag ni Miller ang flirting news as “predic­table and silly”.

Pero hindi natapos doon ang tsismis sa da­lawa dahil after a few months ay lumabas sa Us Weekly na secretly dating sina Pitt at Miller.

Naging haka-haka ng iba na si Miller ang dahilan ng paghihiwalay nila Brad at Angelina Jolie.

“Brad thinks she’s gorgeous and she thinks he’s gorgeous. They’re definitely into each other,” ayon pa sa OK! Australia article.

Hanggang ngayon ay pahulaan kung totoong nagkaroon ng romance sa pagitan nila Brad at Sienna dahil biglang naging tahimik ang kampo ng dalawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy