Una sa Balita

Bracelet ni kagawad isinanla ng kasambahay

By
0 284

KALABOSO ang isang 19-anyos na kasambahay matapos ireklamo ng amo na isang bara­ngay kagawad dahil sa pagnanakaw ng kanyang bracelet, kamakalawa ng umaga sa San Andres, Malate, Maynila.

Mismong ang biktima na si Barangay Kagawad Victor del Rosario ng Brgy. 739 Zone 80, kasama si PO1 Mario Campion, ang umaresto sa suspek na si Marwa Kusina, taga-2158 C. Tuazon St., San Andres, Malate Maynila dakong alas-nuwebe ng umaga.

Aminado naman ang suspek na kinuha niya ang bracelet ng biktima sa loob ng kuwarto nito.

Ayon sa suspek, isinanla umano niya sa Tambunting Pawnshop ang bracelet ng biktima sa halagang P8,000.

Gayunman, nang ipasilip ang record sa sanglaan, walang nakitang record ng suspek na katibayan na isinang­la nito ang alahas ng biktima.

Sinampahan naman ng kasong qualified theft ng biktima ang suspek sa Manila Prosecutors Office.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy