Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bra kayang maka-detect ng cancer

0 176

Kabilang sa mga pinangangambahang karamdaman lalo na ng kababaihan ay ang breast cancer, sa katunayan dito sa Pilipinas, mataas ang mga naitalang kaso ng nagkaroon ng sakit kumpara sa iba pang bansa sa Asya.

Nagiging delikado pa ito lalo na kung huli na nang ma-detect. Kaya naman mahalagang tanong sa ngayon ay paano kung mas maagang natutukoy ang breast cancer sa isang indibidwal?

Binigyang kasagutan ito ng isang researcher sa Mexico nang maimbento niya ang isang bra na kaya umanong maka-detect ng breast cancer.

Noong 2017, kinilala ang noo’y 18-anyos na si Julian Rios Cantu sa kanyang kakaibang imbensyon na kaya umanong makapagbigay ng maagang warning sa mga sintomas ng breast cancer.

Tinawag niya itong Eva bra, at bumuo ng kompanya kasama ng tatlo pa niyang kaibigan.

Paano ito gumagana?

Ayon sa ulat, maaaring maiba ng cancerous tumors ang temperatura ng balat dahil sa pagtaas ng blood flow. Ang mga bionsensor ng Eva bra ang susukat sa temperaturang ito, ire-record sa app, at makapagbibigay ng alerto sa user.

Para makakuha ng akmang record, kailangan itong suotin ng user sa loob ng 60 hanggang 90 minuto kada linggo.

May madamdamin ding kwento sa likod ng produkto at kung bakit ito naimbento ni Cantu. Sa isang panayam sa kanya, kinuwento niyang muntik nang masawi sa breast cancer ang kanyang ina kaya naman umisip siya ng paraan upang makatulong sa iba upang makapag-ingat at ma-detect agad ang mga sintomas nito.

Sa ngayon, tuloy ang kompanya ni Cantu sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa kababaihan.

Dahil sa bago pa lang ito sa siyensya, marami pang mga eksperto at pag-aaral ang sumusuri sa nasabing produkto. Payo ng mga doktor, kailangan pa ring magkaroon ng sapat na kaalamaan ang kababaihan at maging kalalakihan, sa mga maagang sintomas ng breast cancer.

Kasama rito ang mga bukol sa dibdib o kilala, pag-iiba sa hugis, size ng suso, likido na lumalabas sa nipple na iba sa breast milk, at pananakit nito.

Patunay ang kwentong ito na sa kahit anong sitwasyon, maaari tayong makaisip ng paraan upang matulungan ang sarili at ang iba.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.