Una sa Balita

BPSO na aktibo sa ‘Oplan Tokhang’, itinumba

By
0 53

Isang Barangay Public Safety Officer (BPSO) na umano’y aktibong sumasama sa operasyong Oplan Tokhang ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang hindi pa kilalang gunman na naka-face mask sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), nakilala ang biktima na si Bonifacio Fraun Jr., 48, may asawa, ng Kalayaan St., Brgy. Batasan Hills sa nasabing lungsod.

Sinasabing madalas umanong sumama sa Quezon City Police District (QCPD) Station 6 sa pagsasagawa ng Oplan Tokhang sa Brgy. Batasan Hills at ang biktima umano ang nagtuturo kung sino ang mga taong sangkot sa illegal drugs bago pa mangyari ang krimen.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang krimen alas-12:00 ng hatinggabi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Riverside St., malapit sa isang paaralan.

Sa imbestigasyon, ang biktima kasama ang isa pa umanong BPSO na si Jerry Mendiola ay naka-duty sa Barangay Outpost at tumutulong sa mga crew na nag­hahakot ng basura nang biglang sumulpot ang suspek.

Bigla na lang binaril ng suspek sa ulo ang biktima saka mabilis na tumakas. Agad naman sumaklolo si Mendiola at itinakbo ang biktima sa East Avenue Medical Center pero idineklara rin itong dead on arrival.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may kinalaman ang pagpatay sa biktima sa pagtulong nito sa operasyon ng pulisya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy