Una sa Balita

BPI palpak ang billing

0 352

NAGREKLAMO ang isang kostumer ng Bank of Philippine Islands (BPI) sa umano’y palpak nitong billing system.

Ayon kay Aling Maria, 52-anyos, inenrol siya ng BPI para ie-email na lang sa kanya ang kanyang credit card bill noong Pebrero pero simula Hunyo ay hindi na niya ito natatanggap sa kanyang email.

Itinimbre na ni Aling Maria sa BPI ang hindi dumating na billing noong Hunyo. Sinabihan siya ng BPI na pumunta na lang sa branch at magpa-print ng billing para makita niya at mabusisi ang kanyang bayarin, Pinae-enroll din siya a BPI online para sa mas madaling proseso.

Hindi niya ito masyadong inintindi dahil isang beses lang naman sa isang buwan kailangan ‘yung billing at hindi niya nakikita ang panga­ngailangang i-download ang BPI app kung isang beses isang buwan lang niya ito kakailanganin.

Nitong Hulyo, hindi na naman dumating sa email ang kanyang billing. Muli siyang tumawag sa 89-100 na patagalan ang paghihintay. Naisipan niyang magpa-print sa BPI-Pilar Village, Las Piñas branch ngunit wala nang detalye ang print out na ibinigay sa kanya.

Muli siyang sinabihan na mag-enroll sa BPI online. Ang kaso, dahil sa edad, ayaw ni Aling Maria na mag- online dahil naliliitan siya sa screen ng kanyang cellphone. Mas gusto na lang niya sa email na ipinapa-print na lang niya sa kanyang anak para mas madaling basahin.

Sabi sa kanya ng BPI, nagkakaproblema sila mag-email sa mga yahoo account noon June at hindi pa rin ito naaayos hanggang ngayon.

Subalit nagagawa ng BPI na mag-email ng promotional materials tulad ng mga discount sa ibang shopping sites at shops pero hindi nila nai-email ang billing na mas mahalaga kay Aling Maria para mabayaran at hindi siya magka-penalty.

Walang paliwanag ang BPI sa kapalpakan na ito subalit sinabi ng kompanya na nagpapadala na sila ng printed billing sa mga may yahoo email.

“Please note that we are currently working on resolving our technical issue with yahoo email accounts,” sabi ng BPI.

Nangunguna noon ang BPI sa larangan ng modernization at compu­terization sa mga bangko at ito ang unang naglabas ng ATMs at ng online banking sa mga local na bangko. Nu’ng 2017, nagkaroon ito ng system glitch na ikinaperwisyo ng libo-libo nitong kli­yente na inimbestigahan pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng Senado. Isinisi ng BPI ang pangyayari sa isang hamak na programmer. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy