Una sa Balita

BPI binira sa hirit na ATM fee increase

0 392

NANAWAGAN si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa Bank of the Philippine Islands (BPI) at iba pang commercial bank sa bansa na huwag maging killjoy sa kanilang mga parokyano lalo na sa dara­ting na Kapaskuhan.

Ito’y matapos manindigan ang BPI sa pangangailangan ng pagtaas ng ATM fee upang makabawi umano sa kanilang gastos sa pagmamantine nito.

Ayon kay Zarate, dapat maging transparent ang mga bangko sa kanilang mga kliyente upang sa gayon ay hindi naman sila mabigla sa pinapataw na karagdagang bayarin sa mga ATM transaction.

Ipinanukala ng kongresista na magpatupad lamang ng standard rate at charges sa ATM.

Sa isinagawang pagdinig ng House committee on banks and financial intermediaries, sinabi ni BPI Chief Executive Officer Cezar Consing na unti-unti na umanong nalulugi ang ATM industry

Binanggit ni Consing ang papalapit na holiday season kung saan libo-libong kostumer ang nagwi-withdraw sa ATM kaya kinakaila­ngan nilang i-reload fully stocked ang bawat ATM lalo na sa malalayong lugar.

Isa rin sa mga pagsubok na hinaharap ngayon ng mga bangko ay ang digital payment na siyang cashless at unti-unti nang tinatangkilik ng mga Pilipino.

“A fairly large percentage of the ATMs are actually losing money. In the case of my bank, BPI, where we have 2,500 ATMs, hundreds of them make no money. We lose a lot of money just keeping the ATM there… in a far-flung place we need to send motorized vehicles with guards, you have to reload so often,” aniya.

“Can you imagine, Christmas time is coming… and our biggest problem is how do we stock our ATMs fast enough? Just a few days ago, our bank, and we are just one bank, had over P4 billion in withdrawals. Can you imagine how fast you have to refill?” sabi pa niya.

“I think we are at a stage in our economy wherein we would grow ATMs first, and at some point you’re actually going to see ATMs come down because digital transactions will overtake cash transactions. Which our regulators are also pushing. Banks will have to respond in their own ways,” sabi pa niya.

Dahil dito ay ipinakiusap ni Consing sa komite na pahintulutan ang mga bangko na marekober naman ang kanilang mga puhunan at nagagastos sa diumano’y naluluging negosyo. Ito ay sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa ipinapataw na charge ng mga bangko sa bawat ATM inter at intrabank transaction. (Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy