Una sa Balita

BPI ATM inireklamo sa pang-iipit ng winidraw

By
0 502

INIREKLAMO ng isang kustomer ng Bank of Philippine Islands (BPI) ng mga Ayala ang umano’y pang­kukupit sa ATM ng P3,000 sa kanyang wi­nidraw nu’ng Linggo, Pebrero 10, 2019.

Nag-post ng reklamo ang isang Jonalyn de los Reyes sa Facebook group na Service Rants and Raves tungkol sa nangyari sa kanya nu’ng Enero 30. Nag-withdraw umano siya ng P8K sa ATM machine ng BPI pero P4,000 lang ang nakuha niya.
Mabuti na lang, sinilip niya ang makina at nakita niyang may dumikit na P1,000 sa ATM. Pero, kulang pa rin ang nakuha niyang cash ng P3,000 dahil P8,000 ang dinebit sa kanya.

Sabi ni Jonalyn de los Reyes, nasa Stamford Executive Residences sila noon at agad nilang tinawagan ang BPI at pinuntahan din niya agad ang pinakamalapit na branch nito.

At pagkatapos maabala at magsayang ng oras, pinilit umano ng BPI na nakuha niya ang kanyang winithdraw kaya’t wala itong sagutin sa kanya.

“Ano ko gago para gumawa ng kuwento!? Ang ‘di ako manloloko sa halagang P3,000,” sabi niya. At kung hindi man sa kanya isasauli ng BPI ang kanyang pera, babalaan na lang niya ang mga tao para wala nang mabiktima pa.

Tinanong ng Abante si Rachelle Da­ngin ng BPI tungkol dito noon pang Linggo pero wala pa rin itong paha­yag kahapon ng tinanggal na post sa Facebook. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy