Una sa Balita

BPC si Castro, Best Import si Durham

By
0 117

Iginawad kay Jayson Castro ang Best Player of the Conference habang si Allen Durham ang Best Import sa parangal kagabi bago ang PBA Governors’ Cup Finals Game 2 ng Meralco at Ginebra sa Smart Araneta Coliseum.

Segunda ang TNT superstar combo guard sa statistics (397) at pumri­mera sa media (463), players (82) at PBA Commissioner’s Office votes (150) para sa 1092 total  kahit sumblay ang KaTropa sa Finals ng season-ending conference sa pagdaig kay June Mar Fajardo na may 857.

Topnotcher sa stats ang San Miguel slotman at season-opening ­Philippine Cup BPC winner sa 459 pero second lang sa mga boto ng press (245), manlalaro (77) at pro league (75).

Tig-apat na BPC sina Castro at Fajardo, habang si Danny Ildefonso pa rin ang nasa unahan sa nako­lektang lima.

3-4-5 sina GlobalPort’s Terrence Romeo sa 558, mid-season Commissioner’s Cup BPC awardee Calvin Abueva ng Alaska sa 397 at Batang Pier Stanley Pringl­e sa 396 (369-0—27-0).

Kumolekta si Durham ng 1273 sa 589 stats, 445 sa media, 89 sa players at 150 sa PBA matapos ihatid ang Bolts sa unang Finals stint sa anim na taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy