Una sa Balita

BPC kay Slaughter, back-to-back si Durham

By
0 17

Nadale ni Ginebra center Greg Slaughter ang una niyang Best Player of the Conference award sa apat na taon, samantalang back-to-back Best Import si Allen Durham ng Meralco sa pang-apat na tour of duty sa tatlong taon.

Binigay ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang BPC at BI plaques sa dalawa bago ang Game 2 ng Governors Cup best-of-seven Finals ng Gin Kings at Bolts sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Dinaig ng seven-footer Fil-Am sina five-time winner June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Jayson Castro ng TNT KaTropa at Chris Newsome ng Meralco.

Abante Hiring – IT dep

Ito ang unang buong kumperensya pa lang ng 29-year-old na si Gregzilla mula sa pagbabalik sa injury, nagiyahan niya ang Ginebra sa Finals sa solidong peformances sa magkabilang dulo ng court kaya nakakuha ng majority votes.

Gaya sa nakalipas namang taon, muling tinalo ni 6-foot-6 Durham, 29, si Justin Brownlee ng Ginebra.

Naging pang-apat siyang nakapagdepensa ng BI tapos nina Bobby Parks (1987 at 1988 Reinforced Conference at 1991 at 1992 First Conference) at Gabe Freeman (2008-09 at 2009-10 Fiesta).