Una sa Balita

Boyet, Nonie, Ricky, Sid movie ipalalabas sa Amerika sa 2018

By
0 1

Tatlong Tagalog movies ang sabay-sabay na magbubukas ngayon sa mga sinehan, ang Kamandag ng Droga ng Viva Films, Smaller and Smaller Circles ng TBA Studios at ang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na co-production venture ng mo­vie outfit ni Quezon City House Representative Alfred Vargas.

Ang Smaller and Smaller Circles ang itinuturing na kauna-una­han na Filipino crime no­vel na nanalo ng Grand Prize for the Novel in English sa 1999 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

Ang Columbia Pictures ang distributor ng Smaller and Smaller Circles na ipalalabas din sa mga sinehan sa Amerika sa 2018.

Mga bida ng pelikula sina Nonie Buencamino, Sid Lucero, Ricky Davao at Christopher de Leon.

‘Maestra’ sobrang nakakaiyak

Ang former teac­her na si Archie del Mundo ang sumulat ng kuwento ng Maestra, ang advocacy movie ng producer na si Dr. Carl Balita na mapapanood simula sa December 8 sa CineLokal ng SM Cinemas.

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Maestra at sa presscon nito, sinabi ni Del Mundo na hindi sa pagmamayabang, alam niya na mabibigyan ng CEB ng Grade A ang pelikula nila dahil maganda ito.

Pareho ang paniniwala nina Del Mundo at Balita na well-crafted ang Maestra na tinatampukan nina Angeli Bayani, Anna Luna at ng veteran actress na si Gloria Sevilla.

In fact, ang Maestra ang nagbigay kay Luna ng best lead actress award mula sa Five Continents International Film Festival ng Bolivarian Republic of Anzoategui, Venezuela noong October 2, 2017.

Ang Maestra ang tribute ni Balita sa mga guro na para sa kanya ay mga tunay na bayani ng bayan.

“Ang pelikulang ito ay punong-puno ng pangarap, pangarap ng isang bata na gustong maging teacher, ang pangarap ng isang teacher na pumasa sa board at ang pangarap ng isang teacher na ‘yung buhay niya ay ialay sa pagiging guro.

“I actually cried when I saw the picture for the first time. Actually, ‘yung tatlong karakter sa Maestra ay mga kaibigan at kakilala ko.

“Talagang pinili ko ang istorya nila pero ‘yung makita mo sa pelikula ‘yung naging papel ng tatlong ito sa larangan ng edukasyon at paghubog sa kamalayan ng mga bata, nasabi ko sa sarili ko na this is probably one of the best things I’ve done in my life, to produce this film, to have invested my money even if my intention was not to earn from it but to really communicate the message, a very strong message na kailangan nating tulungan ang Pilipinas na magkaroon ng mas magagaling na teachers at kailangan natin na magpasalamat sa kanila,” ang sincere na sabi ni Balita.