Una sa Balita

BOYET, NAGULAT SA PAG-AARTISTA NI MARIEL DE LEON!

By
0 3

Sorpresa kay Christopher de Leon ang pagpasok ng beauty queen niyang anak na si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon.

Si Mariel nga ang gaganap na leading lady ni Coco Martin sa remake ng Panday na kalahok sa MMFF 2017.

Ayon kay Boyet sa panayam namin sa kanya sa The EDDYs Awards, sinabi niyang wala talagang kahilig-hilig noon pa ang nasabing dalaga niya sa pag-aartista.

Ni wala raw itong nababanggit na gusto nitong pasukin ang showbiz at sundan ang yapak nilang mag-asawa na si Sandy Andolong.

Kaya nasorpresa si Boyet nang tanggapin ng anak ang offer. Iniisip na lang ni Boyet na nasa dugo ni Mariel ang showbiz at hindi nito matatanggihan ang tawag ng pag-aartista sa kanyang sistema.

Pinayuhan daw ni Boyet ang anak sa haharaping pagsubok sa shooting, gaya ng pagpunta ng maaga sa shooting, ang minsang late pack-ups, pagod, puyat at iba pa.

Excited daw si Mariel sa unang movie niya lalo at ang makakasama nito ay si Coco Martin.

Feeling ni Boyet, hindi puwedeng hindi matikman ni Mariel ang pag-aartista dahil kahit ang Bb. Pilipinas Charities ay pinayagan siyang gumawa ng film project.

Gagabayan na lang daw nila ni Sandy ang kanilang anak sa trabaho nito at sa iba pang gagawing showbiz schedules nito lalo at maraming mga promos, pictorials ang kailangang pagdaanan nito para sa Panday.