Una sa Balita

Boyet, ‘pinagbabaril’ ang magnanakaw!

By
Christopher de Leon
0 3

One of the bad guys ang role ni Christopher de Leon sa Dukot, ang bagong movie project ng direktor na si Paul Soriano na pinagbibidahan ni Enrique Gil, ang kidnap victim sa pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa July 13 at makakasagupa ng Imagine You & Me sa box office.

Ikinuwento ni Christopher sa presscon ng Dukot na protective father and husband siya sa kanyang mga anak at asawa.

May first aid kits ang lahat ng mga sasakyan nila at may CCTV din ang pali­gid ng kanilang bahay na dalawang beses na pinagtangkaan na pasukin ng mga magnanakaw pero hindi nagtagumpay.

“I believe in the saying na better safe than sorry. So, I lock all my doors, my fences are really sharp saka I have dogs.

“All my front doors are locked even the rooms, even all the rooms of my children are locked every night. I have CCTV and all that…

“Three or four months ago, may pumasok sa bahay. Tamang-tama, nakita ko, binaril ko. Hindi ko naman pinatamaan pero binaril ko. Nagtatakbo sila, isa ‘yung nakita ko. Nangyari ito a couple of months ago lang.

“May nangyari rin, matagal na matagal na pero nahuli namin ‘yung mga magnanakaw.

“Better safe than sorry. I already have my first aid kits in case of you know, the Big One ever comes.All the cars have first aid kits, including my children’s cars.

“First and foremost, siyempre pray..always pray  for protection and ask for God to let his garrisons of all the angels, guard your house, your place, your family,” ang kuwento ni Christopher na dapat iwasan at katakutan ng masasamang loob dahil parang boy scout na la­ging handa sa lahat ng mga magnanakaw na magtatangka na pasukin ang bahay nila.

“Ipagdarasal mo na lang ba?” — Shaina

Ang suspendihin ang visitation rights ni Cedric Lee sa kanilang anak ang motion na isinampa ni Vina Morales sa Branch 162 ng San Juan Regional Trial Court noong nakaraang buwan.

Nagalit si Vina dahil siyam na araw na nanatili ang 7 years old daughter  niya sa piling ni Lee na labag sa umano visitation rights na itinakda ng korte.

Sa presscon ng Dukot, ang nangyari sa kanyang pamangkin ang itinanong kay Shaina Magdayao ng entertainment press.

Kung hindi alam ng publiko na suspension of visitation rights ang motion ni Vina sa korte, iisi­pin nila na kinidnap ni Cedric ang sariling anak dahil sa mga pahayag ni Shaina.

“Natapos ko nang gawin ito (Dukot) before it happened,” ang sabi ni Shaina tungkol sa karanasan ng pamangkin niya.

“It happened a month ago lang so very fresh pa siya. Had I known na mangyayari di ba, ah okey, alam na alam ko na kung paano pala mag-worry. Kung paano ka hindi mapalagay, hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Ipagdarasal mo na lang ba?” ang reaksyon ni Shaina na hindi naiwasan na lagyan ng koneksyon ang kuwento ng Dukot at ang siyam na araw na pamamalagi ng pamangkin niya sa poder ng tunay na ama nito.