Una sa Balita

Boy Selfie feeling bokalista

By
0 55

Feeling bokalista. Masyadong pa-cute. Aayaw-ayaw sa una pero bibirit din pala.

Ganito umano kung umeksena ang isang opisyal ng gobyerno.

Sa dinaluhang “tipar” (Christmas party) kamakailan, kahit hindi siya talaga ang bida ay kinantiyawang kumanta ang naturang opisyal.

Pakiyeme umano si sir dahil sa una, panay ang tanggi.

Pero nang makahawak ng mikropono ay ayaw na umano nitong bitawan.

Not once, not twice kundi naka-tatlong kanta umano si sir.

Kung naging senador ito, malamang na may kakumpetensiya na ang isang senador na maramot sa mikropono.

Sunod-sunod pa umano ang ginawang tirada ng pagkanta, mala-non-stop.

Kung hindi umano umalma ang ibang nakapilang aawit, malamang nag-long playing na si idol.

Sikat na sidekick si sir at malapit siya sa “kusina” as in dikit siya kay Pangulong Digong Duterte.

Mas kilala siya sa kanyang alyas kaysa tunay na pangalan.

Sa letrang “B” makikilala ninyo siya dahil feeling Bokalista ng banda.