Una sa Balita

Boy Abunda tuloy ang trabaho

0 528

Alam mo, Dondon, bibilib ka sa pagiging professional ni Boy Abunda!

Noong Sunday morning yumao ang nanay ng TV host/talent manager, si Licerna Abunda o Nanay Lesing, pero noong Monday night, pinatunayan ni Kuya Boy ang kasabihan sa showbiz na, “the show must go on” dahil itinuloy pa rin niya ang taping ng kanyang ABS-CBN late night talk show na “Tonight with Boy Abunda”.

Bale dalawang episodes din ang ginawa ni Kuya Boy at ayon sa isang namamahala sa show, “Napaka-professional ni Ama (paboritong tawag nila kay Kuya Boy). Dumating na ready and prepared, aral ang episode.

“Ok siya during taping, even sa dressing room. May lungkot, pero professional. Bukas (today) baka mag-taping din kami ng “The Bottomline”.

“Uuwi sila ng Boronggan, Samar on Thursday morning (bukas), pero depende sa bagyo. Hindi ko pa alam ang details ng libing, pero uuwi sila,” sabi ng kausap ko.

Taped na raw ang “TWBA” hanggang sa Friday at malamang na maaga na lang silang mag-taping uli on Monday para sa episode na ipapalabas sa gabing ‘yon.

In fairness kay Kuya Boy, kahit alam mo na may pinagdaraanan siya like noong launching/presscon niya bilang endorser ng AMA Online Education — Graduate School, talagang nagpaka-professional siya at lahat ng mga tanong ng entertainment press ay sinagot niya.

Panay rin ang kumusta ni Kuya Boy sa mga kausap niya, na tatak na niya, na mapi-feel mo ‘yung concern niya sa lahat, lalo na sa entertainment press na malapit talaga sa kanya.

To Kuya Boy, our sincerest condolences at nakabibilib talaga ang sobrang pagiging professional mo!

Lovi napasabak sa sangkatutak na lampungan kina Marco, Tony

After her taping sa Italy ng iWant original movie niya with Zanjoe Marudo, back to work naman si Lovi Poe sa isang bagong show ng Kapuso network.

Bale hindi pa ‘yon ang bago niyang series, dahil special participation lang siya bilang young Dina Bonnevie sa project na ‘yon.

Ginagawa rin ni Lovi ang pelikulang “In Between Goodbyes” ng Viva Films kung saan kapareha niya sina Marco Gumabao at Tony Labrusca. Maraming sexy scenes si Lovi sa nabanggit na pelikula.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More