Una sa Balita

Boy Abunda ilalaban nang patayan ang same sex marriage

0 461

abante-paistaran-dondon-serminoNakaka-miss ang mga panahon na kabi-kabila ang mga showbiz talk show sa . Mga panahon na mahigit sampung camera ang tumututok, nagi-interview sa isang artista, para sa mga bagong kaganapan sa buhay niya.

Naalala ko pa noon, nag-attend ako sa presscon ni Sharon Cuneta, bitbit ang crew ko ng Aminin portion ng Eat Bulaga, at medyo late ako dumating. Kaya ang ending, panghuli ako sa naisalang para maka-one-on-one ang Megastar.

At sa natatandaan ko, pang-12 yata ako sa nag-interview sa kanya na TV crew, at in fairness sa Megastar, pinagbigyan niya kaming lahat noon, ha!

Sa ngayon, puwedeng sabihin na patay na ang showbiz talk show. At si Boy Abunda na lang ang natitirang TV host sa ganitong larangan.

May showbiz talk show si Kuya Boy sa ABS-CBN ang Tonight With Boy Abunda, na ang timeslot ay super gabi na, at halos tulog na ang karamihan. At yes, 15 minutes lang ang show na ‘yon, pero kesa wala, mas gusto ko, at mas pinipili ko na ring tutukan ang show na ‘yon ni Kuya Boy, dahil iba talaga ang pakiramdam kapag nagtrabaho ka sa telebisyon, sa showbiz talk show, at hindi na ‘yon mawawala sa dugo mo.

Anyway, mahaba ang naging­ tsikahan namin ni Kuya Boy tungkol sa pagkamatay ng showbiz talk show. Unang factor nga ang social media, na halos lahat ng artista, gumagawa ng sarili nilang talk show.

Kung dati nga naman, kailangan mong manood ng The Buzz, o Startalk, at iba pa, para makuha ang mga latest kuwento sa mga artista, ngayon, sa Instagram account pa lang ng mga artista, mapapanood, mababasa mo na ang mga iskandalo, problema sa buhay nila.

At tanggap ni Kuya Boy ang sitwasyon na ‘yon. Sabi nga, kailangan mong suma­bay sa agos, kailangan mong mag-grow, at kailangan mong magbigay daan sa mga bagong henerasyon, mga bagong teknolihiya.

At yes, napapagod din naman ang katawan, ang utak ng isang tao.

Anyway, isa sa inilalaban nang patayan ni Kuya Boy ngayon ay ang pantay na karapatan ng mga LGBTQ community. Sa ibang bansa ay nabigyan na ng karapatan ang mga bading, tomboy, na magpakasal (same sex marriage), maranasan ang patas na trato, at isa nga ito sa ipinaglalaban ng grupo ni Kuya Boy.

At isa ba si Kuya Boy, at ang dyowa niyang si Bong, sa unang magpapakasal, kapag naaprubahan na ito sa Pilipinas?

“I fight for marriage equality. But Bong and I are okey. Alam ko wala tayong civil, wala pang mga batas. Pero inaayos na namin ang mga buhay namin.”

Naikuwento nga ni Kuya Boy ang nangyari sa kaibigan niyang si Ace, na may boyfriend din sa loob nang mahabang panahon. Magkasama ang dalawa sa iisang bubong sa loob ng matagal na panahon.

Pero nu’ng namatay nga raw ang kaibigan niyang si Ace…

“Malungkot. The boyfriend had to surrender the pass book, etcetera. Nakakaawa. He was the center of Ace’s life. Pero, hindi niya ma-claim ang dead body ni Ace.

“Why? Because we have no legal rights.

“But to answer your question (kung magpapakasal kami ni Bong), hindi ko alam. Puwedeng yes, kung mangyayari na lang ‘yon. Pero, naku-corny-han kasi kami ni Bong sa ceremony. Na after living together for 34 years, eh kami ay…

“Baka civil ceremony, ganun…

“Pero yung… baka magkatawanan lang kami.

“But I will fight, and die for the right of marriage for the LGBT community,” sabi pa ni Kuya Boy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy