Una sa Balita

Boxmeer nagwaging naka-break

By
0 800

NAGWAGI itong si Boxmeer sa Group-4/5 merged nitong Martes nang gabi. At hugando pa siyang nanalo dahil ang hinete niyang si Jonathan B. Hernandez ay nakapigil pa sa renda nito.

Dumating sa ikalawang puwesto ang kabayo ng Cool Summer Farm na si Hiway One na nirendahan ni Reynaldo O. Niu Jr., at terserong pumasok ang dehadong Big Boy Vito na pinatakbo ni J.D. Bitor.

Pasok rin para sa ating quartet itong si El Mundo na sinakyan ni E.G. Guerra at ang nakabuo ng pentafecta ay itong si Faithful Wife, isang imported runner galing Australia at ginabayan ni Oneal P. Cortez.

Ang naka-rehistrong owner ngayon ni Boxmeer ay isang L.O. Lopez at si R.G. Tupas naman ang siyang nagpapa-ensayo rito.

Nagwagi rin at marami pang ibubuga, ang paboritong si Battleground na dinala ni Ramon D. Raquel Jr. Malayong nasegundo puwesto si Taquila Princess.