Una sa Balita

Boxing buddy ni PDigong iniluklok sa JBC

By
0 2

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kaeskuwela sa Judicial and Bar Council (JBC).

Sa isang pahinang transmittal letter ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, inanunsiyo nito ang appointment ni retired Pasig Regional Trial Court Judge Toribio Elises Ilao Jr. Nabatid na si Ilao ay nagsilbi umanong “boxing buddy” ni Duterte noong araw sa San Beda College of Law.

Papalitan ni Ilao si ret. Court of Appeals Justice Santiago-Lagman na bumaba na sa JBC noong Hulyo 9 at kumakatawan sa JBC Private Sector.

Abante Hiring – IT dep

“Pursuant to the provisions of Section 16, Article VII of the 1987 Constitution and existing laws, you are hereby nominated Member, Representing the Private Sector, Judicial and Bar Council, Supreme Court of the Philippines, for a term expiring on 09 July 2020,” base sa appointment paper ni Ilao.

Nabatid na sina Ilao at Duterte ay magkaeskuwela sa San Beda College of Law sa ilalim ng Class 1971 pero natapos ni Duterte ang Law nang sumunod na taon.