Una sa Balita

Boxing, basketball at dragon boat topic sa PSA Forum ngayon

0 239

Boxing, basketball at dragon boat ang mga pa­ngunahing topic ngayong umaga sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Golden Phoenix Hotel (Macapagal Ave., Sunrise Drive) sa Pasay City.

Panauhin si Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson, na tatalakay sa nalalapit na kampanya ng national team sa AIBA World Boxing Championships sa Hamburg, Germany, pati na sa SEA Games sa susunod­ na buwan.

Habang si coach Pat Aquino ay sasamahan ang mga miyembro ng Perlas Pilipinas na sasabak naman sa FIBA Asia Women’s Cup sa Bangalore, India at sa SEAG rin.

Makakasama nila sa 10:30 a.m. session presented ng San Miguel Corp., Golden Phoenix Hotel, Accel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corp., ang PHL Dragon Boat team na nagwagi ng apat na gold me­dals sa 2017 Taiwan International Dragon Boat Championships, pati na ang mga official ng PTT Run for Clean Energy na nakatakda July 16 sa CCP grounds.

Ang dragon boat ay kakatawanin ng Philippine Canoe Kayak Fede­ration (PCKF) president Jonne Go kasama ang mga coaches at miyembro nito, habang magsasalita para sa PTT Run sina Vittaya Viboonterawud, director for Commercial Fuel and Lubricants, PTT Philippines, Paul Senador, president PTT Philippines Foundation Inc., at Subterranean Ideas’ Matt Ardina at Glenndale Atmosfera

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More