Una sa Balita

Boxer na snatcher nadakma ng MPD

By
0 642

SINUNTOK muna bago hinablot ng isang 22-anyos na snatcher ang cellphone ng kanyang biniktima kamakalawa nang gabi sa may Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila.

Gayunman, laking pagkakamali ng suspek na si John Conrad Salac, taga- 1021 Tayabas St. Tondo, Maynila dahil sa direksiyon ng Manila Police District-Police Station-7 siya napatakbo, kaya sinalubong na siya ng mga pulis na nasa harap ng istasyon ng pulisya at idiniretso na sa kulu­ngan.

Sa reklamo ng biktimang si Jayson Tongol, taga 2022 Int. 22 G. Perfecto St., Tondo, Manila, naglalakad umano siya nang makasalubong ang suspek na kaagad siyang sinuntok at kinuha ang kanyang cellphone bago nagtatakbo.

Hindi naman nasira­an ng loob ang biktima at hinabol ang suspek na tumakbo sa direksiyon ng presinto.

Nagkataon naman na may mga nakatayong pulis kaya pinahinto siya at nang kapkapan nakuha pa sa kanyang bulsa ang isang caliber .22 revolver.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (illegal Possession of Fire arms), Physical Injury at Theft sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)