Una sa Balita

Bowles nag-TD; RoS pinara ang Dyip

0 315

SINALAKSAKAN ni Rey Nambatac, harapan si Lester Prosper tapos tanggapin ang inbound pass ni Gabe Norwood upang masagip ang Rain or Shine kontra Columbian, 88-86 sa overtime sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations Linggo nang gabi sa Batangas City Coliseum.

Puwede pang maagaw ng Columbian ang panalo o makahirit ng 2nd OT, pero nanakawan ni Best Player of the Game, dating Best Import Denzel Bowles si Glenn Khobuntin sa inbound pass na para kay Prosper sa huling 2.6 segundo at pinal na posesyon ng team.

Kinumpleto ni Bowles ang matingkad na gabi sa pagbrotsa ng triple-double – 29 points, 14 rebounds at 10 assists – sa 43min. 4sec. job para ibangon ang RoS mula sa masaklap na 105-107 loss sa NorthPort nitong Miyerkoles.

Nakabatak si Nambatac ng 10 markers gaya ni Jewel Ponferada para makapitan ng Elasto Painters ang fifth spot sa team standings.Nakalamang ng walo ang Dyip, pinangunahan ng 26 pts. at 15 boards ni Prosper, pero nakaposte ang karibal ng 11 at maski natapos sa 81-all ang regulation play, napanatili ng RoS ang komposyur sa extra period.

Ang iskor:
Rain or Shine 88 – Bowles 29, Ponferada 10, Nambatac 10, Daquioag 9, Mocon 8, Norwood 8, Belga 5, Rosales 4, Yap 3, Torres 2, Borboran 0.

Columbian 86 – Prosper 26, McCarthy 15, Perez 12, Corpuz 11, Khobuntin 8, Camson 5, King 4, Cahilig 2, Calvo 2, Celda 1, Agovida 0, Reyes 0, Escoto 0, Faundo 0. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More