Una sa Balita

Bowler Tan papasiklab muli sa Malaysia, HK

By
0 308

PITONG taong uhaw ang Pilipinas para muling maka-gold medal sa kasalukuyang ginaganap na Asian Youth Tenpin Bowling Championships, pero tinapos na ni Merwin Tan ang pagkatuyot ng bansa sa ika-20 edisyon ng torneo.

Ilang matitikas ang nakaharap ni Tan sa boys’ singles event na ginanap sa Megalanes Sarawak, Batu Kawa, Kuching City sa Malaysia, kinaila­ngan makaungos sa huling round para masiguro ang gold.

1,352 pinfalls ang sinungkit ni Tan sa six games para matagumpay na malusutan sina William Clark ng Australia (1,334) at Park Sang-Hyeok ng South Korea (1,326).

“I just did my best in every game, every frame and every shot. I really needed to score at least a 200 in the last game and I’m really happy I was able to do just that,” wika ni Tan na hinarap ang 40 kalalakihan sa torneo. “This gold medal is a blessing for me especially that I’m playing my last year here.”

Sa panalo, pormal nang tinapos ng 19-anyos ang kanyang stint sa Youth Championships.

Bago ang pinaghahandaang 30th Southeast Asian Games, papasiklab muna si Tan sa ilan pang mga Asian meets upang makapagsanay sa prestihiyosong torneo sa bansa na susulong sa Nob. 30-Dec. 11.

Nakatakda pang sumalang si Tan ngayong buwan sa Malaysian Open, sa Hulyo ay sa Philippine Open at sa Hong Kong Open.

Si Tan ay isa sa mga pag-asa ng Pilipinas pagdating sa bowling, miyembro ng Philippine Team at naging kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng medalya sa 26 taon tapos mag-bronze sa 2018 World Youth Championship sa Detroit, Michigan, USA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy