Una sa Balita

Bouchard naghahanap ng BF

0 544

MAGSISIMULA pa lang ang quarantine, nag-post sa Twitter si tennis star Eugenie Bouchard na mas masaya ang manatili sa bahay kung may boyfriend.

“Not complaining, but I feel like quarantine would be more fun with a boyfriend,” tweet niya.

Para hindi siguro nakakabagot, dahil pinakamahina sa quarantine ang dalawang linggo. Aabot pa nga minsan sa buwan.

Pagkatapos ng post na ‘yun, mukhang binaha ng aplikante ang 26-anyos na Canadian.

Bakit?

May shoutout na siya makalipas ang ilang araw.

“My agent just informed me you guys are sending ‘dating resumes’ to the email in my bio YALL NEED TO STOP!” parating na ni Bouchard.

May post din si Bouchard tungkol sa paubos niyang toilet paper.

Photo niya na diretso ang tingin, nagkakamot ng ulo. Nilagyan niya ng caption: “When you realize you’re down to your last roll of TP.”

Makalipas ang isang oras ay sinundan niya ng isa pang tweet: “Limiting myself to 3 TP squares per use.” (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More