Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Boston nakaligtas sa jumper ni Tatum

0 256

NAGSALPAK si Jayson Tatum ng fallaway jumper sa nalalabing 2.9 segundo para akayin ang Boston Celtics sa 122-120 panalo kontra Detroit Pistons kahapon sa eliminasyon ng 2020-2021 NBA regular season.

Naiganti ni Tatum ang Celtics sa kabiguan sa Detroit nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas), 93-96, matapos makawala sa depensa ni Blake Griffin, na natumba pa kakahabol sa star player ng Boston.

All-around game na 24 points, eight rebounds, two blocks at career-best 12 assists ang kinubra ni Tatum.

Umayuda naman si Marcus Smart ng 17 markers kasahog ang walong assists, samantalang may 13 puntos si Daniel Theis.

May double-double 12 points at 11 rebounds naman si Tristan Thompson para sa Boston na umangat sa 4-3 panalo-talo kartada.

Nalasap naman ng Detroit ang ikalimang talo sa anim na salang.

Pinangunahan ni Jerami Grant ang Detroit sa natipong 22 points, katuwang ang 15 marka ni Svi Mykhailiuk.

Tumulong ng 13 puntos at apat na feeds si former Most Valuable Player (MVP) Derrick Rose para sa Pistons. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.