Una sa Balita

Bossing Vic vlogger na rin

0 301

abante-i-know-better-jun-nardoAba, level-up na si Vic Sotto sa celebrities na pinapasok na ang vlogging! Eh kung social media ang pag-uusapan, walang kasiguraduhan kung sa kanya ang user name account na @m-zet.

Pero sa isang report ng gmanetwork.com, naglabas ito ng video na tila vlog ni Bossing Vic na nakalabas sa YouTube channel, huh!

Limang minuto ang haba ng vlog laman ang ilang lugar sa Israel na pinasyalan ng ilang “Eat Bulaga” Dabarkads tulad ng Garden of Gethsemane, Church of All Nations at Rock of Agony.

May iba pang video na hindi pa naibahagi sa social media account ng Dabarkads.

Sa hindi nakakaalam, may monetary benefits ang video sa YT na milyones ang nahahamig na views, huh! Dagdag na kita pa ‘pag may pumasok na ads sa platform.

Mga fan nina Alden, Maine bigo sa ‘DOTS’

Bigo ang AlDub Nation at iba pang fans ng sikat na love team sa panawagan na sina Alden Ri­chards at Maine Mendoza o ang idolo ng fans club nila ang magbida sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na “Descendants of the Sun.”

Si Dingdong Dantes ang lead actor ng war-drama series na in-announce ng GMA-7 Senior Vice President for Entertainment na si Lilybeth G. Rasonable sa presscon ng renewal ng kontrata ng Kapuso Primetime King nitong nakaraang mga araw.

Preparado naman si Dong na gampanan ang character, physically, emotionally at spiritually, ayon sa pahayag niya. Pero ayon sa ilang executives ng network, sa isang kampo sa Tarlac gagawin ang taping at hindi sa South Korea.

Siyempre, mapalad rin ang magiging leading lady ni Dingdong dahil malaki rin ang role niya sa local version ng Koreanovela.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy