Una sa Balita

Boss Emong o Real Gold?

0 300

MULING magkikita sa pista ang dalawa sa matitikas na pangkarerang kabayo na sina Boss Emong at Real Gold.

Magtatagisan ng bilis sina Boss Emong at Real Gold sa pakarera ng 24th MARHO Breeder’s Championship ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

May distansyang 1,600 metro ang nasabing karera na ipinangalan sa MARHO-SMB-Clara Marie Abalos Foundation Cup Stakes race na pasisibatin sa race 9.

Sinungkit ni Real Gold ang 1st at 3rd leg ng Triple Crown series habang second­ leg ang kinalawit ni Boss Emong, pero tiyak na mapapalaban sila sa ibang mga kalahok.

Related Posts

Kasali sa event na nakalaan ang P120,000 sina Heiress Of Hope, Sky Dancer, Goldsmith at Hiway One.

Kukubrahin ng owner ng pangalawang kaba­yong tatawid sa meta ang P45,000, hahamigin naman ng third at fourth placer ang P25,000 at P10,000 ayon sa pagkakasunod.

Suportado ito ng MARHO at Philippine Racing Commission (PHILRACOM). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy