Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Boss Emong mahirap talunin

0 141

MASISILAYAN muli ng mga karerista ang tikas ni Boss Emong pag-arangkada nito sa Condition Race Merged (10) Race ngayong araw sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

Rerendahan ni veteran jockey Dan Camanero, makikilatis ang husay ni Boss Emong kontra apat na tigasing kabayo sa distansiyang 1,400 metro.

Makakatagisan ng bilis ni Boss Emong sina Greatwall, Box Office, Runawayfromrosenot at Stravinsky sa event na suportado ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

“Tingin ko mahirap talunin si Boss Emong sa laban na ‘yan, magaan na mananalo siya,” saad ni Terry Serrano, karerista.

Tumakbo si Boss Emong noong 2021 Presidential Gold Cup race, kasama siya sa tatlong kontrobersiyal na kabayo.

Samantala, walong balanseng races ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Sabado kaya inaasahang magiging masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.