Una sa Balita

Boss Emong, jockey Hernandez pinagpraktisan ang mga kalaban

0 242

PARANG nag-ensayo lang sa pista si 2nd Leg PHILRACOM Triple Crown Championship ruler Boss Emong matapos ilampaso ang mga kalaban sa Condition Race Merged category 9 Miyerkoles sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City sa Batangas.

Kumuha agad ng unahan si Boss Emong paglabas ng aparato upang hawakan ang dalawang kabayong agwat sa segundong si Garantisado sa unang kurbada.

Hindi na binitawan ng pag-aari ni Edward Diokno na si Boss Emong ang bandera at tumuloy-tuloy na ito sa meta na abante ng apat na kabayo kay Garantisado.

“Sobrang galing, nagkukusa kapag may lalapit agad naman kikilos,” hayag ng hinete ni Boss Emong na si former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan B. Hernandez.

Nirehistro ni Boss Emong ang impresibong 1:22.4 minuto sa 1,400-meter race.

Tumersero si Eugene Onegin habang pang-apat si Secret Affair. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy