Una sa Balita

Boss Emong bumida sa 3YO Open Classic

0 249

NILAMPASO ni Boss Emong ang mga nakaharap sa 11th ‘Mayor Ramon D. Bagatsing Sr.’ Three-year-old Open Classic (Local & Imported) upang sikwatin ang korona Linggo ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nakipagsabayan si second leg Triple Crown ruler Boss Emong sa imported horse na si Will To Win sa arangkadahan.

Hindi tinantanan ni Boss Emong ang bumanderang si Will To Win, binubuliglig nito hanggang far turn at papasok ng huling kurbada ay kumuha na ng unahan ang winning horse.

Abante agad si Boss Emong ng dalawang kabayong distansiya kay Will To Win sa rektahan at hindi na ito naabutan.

Limang kabayo ang lamang ni Boss Emong kay Will To Win pagtawid ng meta, nirehistro nito ang 1:34 minuto sa 1,500-meter race.

“Sinabayan lang namin tapos nang makakita ng tiyempo ay lumarga na kami,” kwento ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year Jonathan Hernandez.

Terserong dumating si The Accountant habang pang-apat ang Phenomenal sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy