Una sa Balita

Boses nina Big Bird, Oscar The Grouch pumanaw na

0 311

Nabalutan ng lungkot ang sunny day sa “Sesame Street” dahil sa pagpanaw ng isa sa pioneer puppeteers ng show na si Caroll Spinney. Si Spinney ang nagbigay ng boses sa mga beloved “Sesame Street” characters na sina Big Bird at Oscar The Grouch.

Pumanaw si Spinney sa edad na 85 sa kanyang tahanan sa Connecticut, USA.

Naglabas ng official statement ang co-founder ng show na si Joan Ganz Cooney sa Sesame Workshop website sa pagpanaw ni Spinney.

“Caroll Spinney’s contributions to Sesame Street are countless. He not only gave us Big Bird and Oscar the Grouch, he gave so much of himself as well. We at Sesame Workshop mourn his passing and feel an immense gratitude for all he has given to Sesame Street and to children around the world.”

Kaka-celebrate lang ng “Sesame Street” ng kanilang 50th anniversary. At higit na 4,400 episodes ang nagawa ni Spinney.

Sa pagbigay niya ng boses kay Big Bird, Spinney channels openness, warmth, understanding and kindness. Para naman kay Oscar the Grouch, kailangan maging annoying, nasty and rude.

Naging subject naman si Spinney ng isang documentary title “I Am Big Bird” released in 2014. Pinakita rito ang brilliance ni Spinney sa pagiging isang puppeteer and actor.

Noong mag-retire na si Spinney, ang nagboses na kay Big Bird ay si Matt Vogel at kay Oscar the Grouch naman ay si Eric Jacobson. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy